websaytko.com - raredog’s chronicle

raredog’s chronicle

  • Home
  • about raredog
  • Disclaimer
  • Table of Contents
  • about websaytko.com


Peace of mind? Insure your bike at Visit InsurePinoy.com for more info


Ang Wikang Tagalog Bow

Posted by raredog in A.U.T.S., ... | 08.11.2007 - 1:46 pm

Wika2007 Official entry

Isang malaking karangalan para sa bawat Pilipino ang magkaroon ng matatawag na wikang pambansa , ito ay ang wikang “Tagalog”. Ito’y isang simbolo ng pagiging ganap na malaya ng ating bansa mula sa mga dayuhang sumakop sa atin.At dahil dito umusbong sa ating mga ninuno ang napakaraming literatura gaya ng sabi (maxim), salawikain (proverb), bugtong (riddle), talindaw (boat song), kumintang (war song), uyayi (lullaby), dalit at umbay, ihiman (bridal song). Andyan din ang Balagtasan at Tawag ng Tanghalan sa mga awiting tagalog. Dito na nagsimulang dumami ang bokobularlyo ng wika natin. Ang iba ay hango na rin sa kastila dahil sila ang mga unang nanirahan at sumakop sa atin.Nalaman ko ang kahalagahan ng ating wika sa dalawang pagkakataon. Una ay ng ako ay matira sa bansang Korea ng isang taon. Isang maunlad na bansa ang bansang Korea. Halos mas nakakaahon pa ang Pilipinas noong dekada 80, pero sa ngayon ay napakalayo na ng agwat nito sa atin. At isa sa mga dahilan nito ay ang pagiging nasyonalismo ng bawat mamamayan. Lahat ay gumagamit ng kanilang sariling wika at tumatangkilik ng mga lokal na produkto.

Sobrang nakakangulila duon, at isa sa nakakapagpasaya sa akin ay ang pakikisalamuha sa kapwa Pilipino. Napakasarap pakinggan ang sari-saring kwento at balita sa wikang pilipino lalo na kung ikaw ay nasa dayuhang bansa. Halo-halo na, andiyan ang Ilokano,Cebuano, Bicolano, Visaya, Manileño atbp. Ilan na nga ba ang lahat ng diyalekto ng Pilipinas? Nasa 79 na yata hindi pa kasali diyan yung salitang kalye (hal. jeproks, jologs, palpak, astig…) at salitang bading (hal. chenes, jowa, wiz, apir, jombag…). Malamang eh mabuwang ako kung wala man lang akong makausap kahit isang Pilipino sa isang taong inilagi ko duon.

Sa pangalawang pagkakataon naman ay ng makilala ko si Father Walter. Isa siyang banyagang pari buhat sa Europa. Napakadakila ng kanyang hangarin na matutunan ang wikang tagalog. Ito ay para magamit niya sa kanyang pagmi-misa, upang mas maintindihan siya ng bawat taong dumadalo ng kanyang misa. Naging matagumpay naman siya sa kanyang misyon at mas maigi niyang naihatid ang mga salita ng Diyos sa kanyang paroko.

Mas uunlad ba ang Pilipinas kung hindi tayo gagamit ng dayuhang wika? Sa panahong kasalukuyan sa palagay ko ay hindi. Dahil na rin sa bagong henerasyon, hindi maiiwasan ang paggamit ng Taglish o pinaghalong Tagalog at English, at dahil na rin sa napakaraming salitang Ingles na walang bersyon sa Tagalog, lalong-lalo na sa mga teknikal o siyentipikong salita.

At para na rin sa Internasyonal na pangangailangan katulad ng pandaigdigang komersyo, isang paraan upang makasabay at mas maintindihan tayo ng ibang bansa ay ang gumamit tayo ng salitang Ingles. At maganda ang rekord nating mga Pinoy sa pagbigkas at pag-unawa ng salitang Ingles. Isa ng pruweba dito ay ang biglang pagdami ng “Call Center” dito sa atin. Hindi po ito yung mga nasa night club (call boy at call girl). Sila po ay iyong mga nasa mga sikat na mga kumpanya ng mga multi-nasyonal na handang sumagot sa mga tawag ng kustomer buhat sa ibang bansa. Itinuturing na isa sa pinakamahusay magsalita at umintindi ng Ingles ang mga Pilipino kung kaya’t dito sila nagsipagtayo ng opisina.

At sa ating mga blogero at iba pa, hindi man natin gamitin ang ating sariling wika sa ating blogs, trabaho, mitings, seminar, eskwelahan, o saan pa man, sana naman huwag natin itong kalimutan pagdating sa ating bahay o pakikipag-usap sa ating mga kaibigan. Patuloy pa rin tayong lumikha ng magagandang awitin, tula, aklat, kuwento at iba pa, gamit ang ating sariling wika. Isang ehemplo na rito ay ang pangalan ng sayt na ito. Ahemm Pinoy na pinoy!

Huwag sana tayong matulad sa ibang tao na nanirahan lang sumandali sa dayuhang bansa pagbalik dito sa atin ay dayuhan na rin sa isip, sa salita at sa gawa. :( Siguro nag-bow kayo pagkabasa nung titulo ng artikel ko noh? :lol:

Vote for this article.

PinoyBlogoSphere.com | Pinoy Bloggers Society (PBS)
presents
Wika2007 Blog Writing Contest
Theme: “Maraming Wika, Matatag na Bansa”Ang Tinig ng Bagong Salinlahi
Sumali na sa DigitalFilipino.com Club
Sheero Media Solutions - Web Design and Development
Yehey.com - Pinoy to p’re
The Manila Bulletin Online
WikiPilipinas: The free ¡n hip Philippine Encyclopedia

wikang tagalog

Share This Article


24 responses on "Ang Wikang Tagalog Bow" »

Ang Wikang Tagalog Bow - “Anyone Can Blog” | Pinoy Bloggers Society (PBS) - PinoyBlogoSphere.com
Posted on August 11, 2007

[...] itutuloy… [...]

links for 2007-08-11 « PinoyBlurker @ PinoyBlogoSphere.com
Posted on August 11, 2007

[...] websaytko.com - raredog’s chronicle » Blog Archive » Ang Wikang Tagalog Bow [...]

links for 2007-08-11 « PinoyBlogoSphere.com | PhilippineBlogoSphere.com
Posted on August 11, 2007

[...] websaytko.com - raredog’s chronicle » Blog Archive » Ang Wikang Tagalog Bow [...]

dimaks
Posted on August 13, 2007

galing ng entry mo bro.. muntik na akong mapa-box, kaya lang may stiff neck ako hehe.

dimaks
Posted on August 13, 2007

*mapa-bow

geri
Posted on August 14, 2007

Hahaha! Buti na lang kinorek mo bro! Tagal ko ring inisip kung ano yung “MAPA-BOX”! hehehe

Wika2007 Official Entries - “Anyone Can Blog” | Pinoy Bloggers Society (PBS) - PinoyBlogoSphere.com
Posted on August 20, 2007

[...] Ang Wikang Tagalog Bow by Geri Barcelona [...]

  PBS Wika2007 Official Entries by The Philippines According to Blogs
Posted on August 20, 2007

[...] Ang Wikang Tagalog Bow by Geri Barcelona [...]

Wika 2007, Time to Vote!
Posted on August 21, 2007

[...] Ang Wikang Tagalog Bow by Geri Barcelona [...]

VOTE NOW for WIKA 2007
Posted on August 21, 2007

[...] Ang Wikang Tagalog Bow by Geri Barcelona [...]

ducks
Posted on August 22, 2007

BOW! =) Maray na aldaw saimo! Good luck sa Wika 2007! =)

Shari
Posted on August 25, 2007

Palagay ko’y hindi mainam na tawaging wikang pambansa ang “Tagalog,” dahil ang Tagalog ay isa sa mga wikang napaiilalim sa pambansang wikang “Filipino.” :p

Pero oo nga. Kahit ako naiisip ko ang kahalagahan ng wika tuwing napupunta ako sa ibang lugar na hindi Tagalog ang salita. Kahit Ingles kasi ay nahihirapan ako, haha.

raredog
Posted on August 25, 2007

@ducks - ano yun? same 2 u na lang din :D

@shari - sori po tao lang :D Ikaw pa! nahihirapan sa Ingles, eh halos mawarat utak ko sa mga bokabularyo sa blog mo. :lol:

tye
Posted on August 26, 2007

Aprub ako sa sinabi mo na, “Huwag sana tayong matulad sa ibang tao na nanirahan lang sumandali sa dayuhang bansa pagbalik dito sa atin ay dayuhan na rin sa isip, sa salita at sa gawa.”

Dahil kung hindi natin kayang balikan kung sinuman tayo matapos mangibang bayan o matapos magpakadalubhasa sa wika at kultura ng ibang bansa, ay, gaya nga ng sinabi ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal, magiging higit pa ang alingasaw natin sa mabahong isda!

geri
Posted on August 26, 2007

tye ty po :D

maricel n. domingo
Posted on June 19, 2008

wahahaha…….. watak ang utak ko hindi ako makaintndi sa sinasabi niyo. hehehehehehehehhe pero tama be proud nga pinoy tayo. maganda kaya ang morena at moreno..wahahaha hindi ako attracted sa mga tisay o tisoy panget yan sila..heheheh

lahdie_Smarteeh
Posted on July 12, 2008

may alam ba kau na tula tungkol sa wika!!

xieer
Posted on August 4, 2008

san po ako makakakuha ng available na tulayaw? kasipo la na kaming oras. may alam po ba kayo?

mhars fernandez
Posted on August 5, 2008

hi pow may halimbawa po ba kayu ng LATHALAIN.

geri
Posted on August 5, 2008

@xieer and mhars - sorry ha pero wala ako nung mga hinahanap nyo eh. kakaunti pa lang kse ang mga ganitong klase na materials dito sa internet. I suggest going to a library na lang po para dito.

geri’s last blog post..BMX in Olympics

kite
Posted on August 29, 2008

may alam po ba kayong salawikain tungkol sa wikang pambansa?

geri
Posted on August 29, 2008

Ang di raw marunong magmahal sa sariling wika ay daig pa amoy ng mabahong isda.

geri’s last blog post..Parokya ni Edgar

Eugene
Posted on November 16, 2008

hindi dayalekto ang ilocano. ito ay may sariling bokabularyo at grammar na hindi pareho sa tagalog. ang pagkakaroon ng sariling bokabularyo at grammar, itanong mo sa mga linguistiko, ay isang batayan na ang isang wika ay wika. kaya ang wikang tagalog at wikang ilocano, magkaiba ang kanilang mga grammar at bokabularyo, kaya sila ay magkahiwalay na wika. hindi ito pagiging rehyunalista. nililinaw ko lamang, dahil bilang isang ilocano, nasasaktan ang aking puso at kaluluwa kung may nagsasabing dayalekto ang aking unang wika.

geri
Posted on November 17, 2008

@eugene - maraming salamat sa karagdagang kaalaman na inyong na-contribute regarding sa wikang Ilocano.

geri’s last blog post..For a better Baguio City

RSS feed for comments on this post.
TrackBack URL

Leave a comment


This blog uses the CommentLuv plugin which will try and parse your sites feed and display a link to your last post, please be patient while it tries to find it for you.



  • websaytko updates!

    Enter your email address:

    Delivered by FeedBurner

  •  

    December 2008
    M T W T F S S
    « Nov    
    1234567
    891011121314
    15161718192021
    22232425262728
    293031  
  • Pages

    • about raredog
    • about websaytko.com
    • Disclaimer
    • Table of Contents
  • Categories

    • A.U.T.S.
    • Blind Items
    • Pinoy Jokes etc..
    • PPP
    • PSP
    • Putograpiya
    • Raredog Promotes
    • Techie Stuff
    • Two Wheels etc..
    • Uncategorized
    • Vouch Post
    • Wishlist
  • Blogroll

    • Benj
    • DeliSPAM
    • dimaks
    • DRICT INFO SITE
    • marjonelle
    • Sikat Ang Websaytko
    • Some Photos
    • TYPO3 Developer
    • ukay2
    • Young Master
  • Favorites

    • Frank Woolf
    • MCP
    • my first site
    • My Friends And Me
    • My Videos
    • SMARTBRO: Apply Here!
    • TPC
  • Free Subscription

    Subscribe in a reader

  • Flickr Photos

    www.flickr.com
    raredog79's photos More of raredog79's photos
  • MyBlogLog

  • DON'T READ THIS!

    • Funny Asian Videos Part I
    • My DSL
    • YM Plural
    • Hoping for an LCD TV
    • SEO Side Effect
    • Dayang-Dayang Boys
    • Tattoo for Life
    • etZTEra, etZTEra
    • Joketime 101
    • websaytko updates 3

Link N Park

  • Auto Insurance
  • Car Insurance
Curtains
Health Insurance Quotes


Submit you Link for FREE!Sikat Ang Websaytko!Promoting Pinoy Websites Globally
62,040 spam comments
blocked by
Akismet

What do you think?

raredog's video collection

Announcement? Promotion? Information? Awareness? advertise@websaytko.com



Recent Posts

Recent Comments

Meta

  • Watch Pacquiao and Dela Hoya Online Free

    12.04
  • joketime 111

    12.03
  • GiVi Box E26N Micro

    12.02
  • Iron Butt - Pinoy Version Part Three

    12.01
  • raredog: @Ponce - Ur case is quite rare. You a...
  • PONCE: Hello there. Guess, nobody is paying ...
  • geri: @stampedeblue - Thanks, its my pleasu...
  • geri: Just present a valid ID to any Smart ...
  • stampedeblue: hello bro, great blog site. thanks fo...
  • RSS - Posts
  • RSS - Comments
  • Log in
  • Valid XHTML

Copyright © 2008 websaytko.com - raredog’s chronicle | Design by Freakitude.

 
Other materials are owned/copyrighted by their respective owners.
eXTReMe Tracker
Close
  • Social Web
  • E-mail
  • del.icio.us
  • Digg
  • Furl
  • Netscape
  • Yahoo! My Web
  • StumbleUpon
  • Google Bookmarks
  • Technorati
  • BlinkList
  • Newsvine
  • ma.gnolia
  • reddit
  • Windows Live
  • Tailrank
E-mail It
Zeo