Passport Renewal at the New DFA Building

Posted by raredog in A.U.T.S., ... | 05.17.2011 - 3:05 pm




Sean Kirk at DFA
Sean Kirk at DFA

Haging na kaming maligaw hehe! Iba na pala location ng Department of Foreign Affairs (DFA). Buti na lang at mejo malapit-lapit lang dun sa lumang address nila. Ito ngayon ay nasa may Macapagal Avenue corner Bradco street, just infront of Mcdonalds, lampas lang ng mga 500 meters from SM Mall of Asia at matatanaw na sa gawing kaliwa ang DFA-OCA building. Yan eh kung galing kayo sa former office location nila sa Roxas Boulevard. One thing for sure, basta alam nyo papunta sa MOA, malapit na DFA dun.

One year na din pala ang Department of Foreign Affairs dito. Ok ang design ng kanilang building, modern at spacious, malamig at cozy, at siempre pa ang the pride of their office – high-tech na daw ang buong systems dito. Tapos the guards are polite and service oriented. Sila din kase ang frontliners ng opisina na pede mong hingan ng bit of informations about passport requirements and everything. Tapos Oldies and kids have now an express lane too like government employees!

Sa processing naman ng renewal, super-bilis ko ding masasabi na in less than an hour (7:30am to 8:25am)natapos namin ni Sean Kirk yung whole procedure at nai-release yung claim stub for our passports.

Lamang nga lang dito ang LTO or Land Transportation Office, dahil sa LTO nung nagpa-renew ako, roughly 2 hours only eh hawak ko na yung bago kong lisensiya, unlike dito sa DFA na three weeks pa. But they have what they called “RUSH PROCESSING” para dun sa mga nagmamadali, they can get their passport in two weeks time for an additional fee.

Saan kaya makapag-TOUR? hahaha!!! 😆

 


4 responses on "Passport Renewal at the New DFA Building" »

bro would you know kung magkano ang fee pag late renewal? hehe, obviously late renewal na ang passport ko 😀

geri
Posted on May 19, 2011

@dimaks – sori bro, hindi ko naisipang itanong yun. Konti lang cguro difference. Dati kase sabi ko first time akong kukuha, pero na-detect pa din nila yung old passport ko hehe

jill
Posted on July 25, 2011

hi!kung sa mrt taft po ang baba ko anung pde ko sakyan papunta sa bagong bldg?tnx po

geri
Posted on July 25, 2011

@jill – mas maganda po kung sa me Baclaran LRT station na kayo bumaba. Mas malapit ito. Tapos sakay kayo ng bus na MOA, dadaan na din ito dun sa DFA.

Leave a comment