Paella ni Chef Raredog

Posted by raredog in Geri Barcelona Photo... | 12.30.2011 - 6:15 pm




My first try on cooking an Spanish rice dish, the Paella. Its actually a mixed-paella (seafoods and meat combo). Hope you like my recipe.Happy cooking 😀

paella ni chef raredog

Paella ni Chef Raredog

 

Mga sangkap at rekado

hipon – 1 cup (as is, wag tanggalan ng balat)

chorizo de bilbao 1 or 2 pieces (chopped diagonally)

pusit – 1/4 kilo (chopped)

manok – 1/2 kilo (chopped)

tahong – 1/2 kilo

 

achuete basa – 1 small plastic (lagay sa isang mangkok na me tubig)

bawang – 1 cloves chopped

sibuyas – 2 large chopped

dahong laurel – 3 – 4 pieces

bell pepper – 2 pieces thin sliced

green peas – 1 cup

tomato sauce – 1/2 cup

curry powder – one teaspoon (alternative sa expensive saffron)

asin – 3-4 tablespoon

paminta durog – 1 tablespoon

malagkit na bigas – 1/4 kilo

bigas – 5 cups

 

Pamamaraan ng Pagluluto

Hugasan ang tahong, manok at pusit (tanggalan ng tinta) Pagkatapos ay pakuluan sabay-sabay ang mga ito

Itabi ang nalutong tahong. At hiwain ng pa-cubes ang manok, yung pusit naman ay pa-rings ang hiwa

Paghaluin ang bigas at malagkit sa kaldero, pagkatapos ay hugasan

Isaing ito gamit ang tubig ng pinagkuluan ng (tahong, manok at pusit)

Magpainit ng mantika sa kawali at I-sangkutsa o igisa ang bawang, sibuyas, bell pepper, dahong laurel, green peas at chorizo.

Pagkatapos ihalo ang tomato sauce, curry powder at atchuete sauce. Haluin mabuti.

Ihalo ang mga rekado (pusit, manok, tahong at hipon) Lagyan ng asin at paminta ayon sa panlasa.

Tanggalin sa kaldero ang kanin at ihalo ito sa kawali.

Gamit and dalawang sandok. Haluing mabuti hanggang sa magpantay ang kulay ng kanin. Pedeng dagdagan pa ng konting tomato sauce at curry. Timplahan ulit ito ng asin at paminta.

Pagkatapos ay ilagay sa bandehado, lagyan ng konting disenyo at ihain.  😀

 

 


No Comments on "Paella ni Chef Raredog" »

No comments yet.

Leave a comment