Procedure for Change of Ownership of Motorcycle

Posted by raredog in Bike, Motorbike and ... | 02.23.2012 - 10:43 am




Ihanda lahat ng sumusunod na dokumento both from the vendor and the vendee

Be sure ipa-xerox lahat ng tig-aapat, para iwas abala.

at least two legal ID’s (BIR, Postal, SSS, or Driver’s License)

ipa-xerox yung ID’s at siguruhing me pirma yung vendor sa tabi ng bawat ID

T.I.N. (Taxpayer Individual Number) Kahit wala yung vendor, mahalaga ikaw meron, hihingin kase ito sa form ng Landbank

CTC (Community Tax Certificate or Cedula)

OR/CR (Official Receipt / Certificate of Registration) Dalhin nyo rin yung original.

 

Ipa- Notaryo ang mga sumusunod:

Deed of Sale

Affidavit for Change of Color (kung naiba na yung kulay sa original)

Magsadya sa himpilan ng Highway Patrol Group (HPG) para sa clearance ng motorsiklo (Camp Karingal, Camp Crame, Taytay Hilltop) so far yan lang alam ko na pede nyong mapuntahan dito sa Kamaynilaan.

Pay P300 (Transfer of Ownership)

Pay P100 (Change Color)

Sa Landbank nyo ito babayaran.

 

Pagkatapos ng Macro Etching at ma-picturan yung motor nyo, pababalikin kayo after 3 days for the release of the clearance certificate/s.

Para sa gustong magpa-express (same day release) may karagdagang bayad.


No Comments on "Procedure for Change of Ownership of Motorcycle" »

No comments yet.

Leave a comment