Paalam po Sir Dolphy

Posted by raredog in PPP, ... | 07.11.2012 - 10:17 am




Naalala ko pa nung kabataan ko, wala pa kaming telebisyon nun, pero palagi ko ng inaantay yung palabas ni “John Puruntong” o “John and Marsha” sa kapitbahay namin. Ganun din kapag me pelikula ka, nag-iipon kaming pilit magkakaibigan para lang makapanood ng palabas mo na talaga namang sulit na sulit kase halos 3 beses namin inuulit-ulit bago kami lumabas ng sinehan. Hanggang sa “Home Along the Riles” hindi pa rin nagbago ang pagsubaybay ko sa iyo kase dahil sa pagpapatawa mo ay napapagaan mo ang buhay ko dahil ako ay nalilibang na sa palagay ko ay ganun din namansa iba.

 

Maraming salamat sa iyong husay at talento, isa kang tunay na maipagmamalaki dito sa Pilipinas o kahit saan mang panig ng mundo sa larangan ng sining at komedya. Karapat dapat lang na parangalan kang National Artist ng bansa. Paalam po Sir Dolphy.

Rodolfo Vera Quizon (July 25, 1928 – July 10, 2012) known by his screen name as Dolphy.


No Comments on "Paalam po Sir Dolphy" »

No comments yet.

Leave a comment