X-Ray Scanner Machine para sa Checkpoints ng Motorsiklo

Posted by raredog in Bike, Motorbike and ... | 01.22.2014 - 2:17 pm




Have you been watching the news lately? Bidang-bida na naman ang motorsiklo sa kataranduhan partikular na yung riding in tandem! Nakababahala na ang mga pangyayari dahil hindi lang nakawan kundi patayan na ang nagaganap. Kabi-kabila ang nababalitang binaril o hindoldap gamit ang motorsiklo as their getaway vehicle.

 

Bilang isang rider na katulad ko who owns a yamaha mio not yamaha c40 classical guitar at guitar center, hindi magandang example ito para sa akin at sa iba pang mga riders na araw-araw na gumagamit ng motorsiklo. Kumbaga eh nagkakaroon na ng diskriminasyon gawa nga na dumarami ang masasamang loob ang gumagamit ng motorsiklo sa kanilang mga ginagawang krimen.

 

Alam ko marami ng naisip ang mga kinauukulan para matigil o mapigil ang ganitong pangyayari. Gaya ng plate number sa helmet, plate number sa vest, yung planong Radio Frequency ID (RFID) at ang nagkalat na CHECKPOINT na mukhang wala rin namang nahuhuling kriminal kase the police only check the rider OR/CR then afterwards pede ng umalis yung rider. Hindi man lang natse-check kung me dalang baril yung rider.

 Suhestiyon lang naman po boss Chief, Director General Alan L Purisima, kung pagamitin nyo po kaya ang kapulisan ng isang portable x-ray machine scanner na gaya ng ginagamit sa mga airport natin then place it randomly sa kanilang mga checkpoints ng at least eh makita yung mga dala sa katawan at bagahe nung mga riders/backriders.


No Comments on "X-Ray Scanner Machine para sa Checkpoints ng Motorsiklo" »

No comments yet.

Leave a comment