Majayjay Road Trip 2015

Posted by raredog in A.U.T.S., Bidyoko Pr... | 05.01.2015 - 11:34 am




taytay falls
It was originally planned as a blowout treat and thanksgiving for Darryl who just graduated from AISAT Fairview. Then I realized andami pa palang event na nagdaan at padating na dapat pasalamatan sa ating Maykapal.

My recent birthday
Kevin 2nd anniversary with his job last April 1
Dict was hired recently
CJay 2nd year with us this coming May 1
Pinoy Drift Trikes 3rd Anniversary on May 2
9th year of websaytko.com on May 1st
at siyempre Darryl’s graduation!

Thanks for all the blessings po! To God Be the Glory!!!

Late na kami nakaalis ng bahay around 4pm na dahil sa sobrang bagal magsikilos at kung anong anik-anik pa ginagawa ng mga kasama ko hayahay! Tapos inabot pa kami ng trapik sa me Sta. Lucia to Junction (almost 1 hour yata kami duon) kaya by the time na nasa Teresa, Rizal market na kami eh madilim na. Duon na kase kami namalengke ng aming mga iluluto sa camping. Madilim na ng makaalis kami dun, muntik pa kami ma-aksidente dito sa coordinates na ito (14.389270, 121.476981159) sa me National Highway bandang Pakil,Laguna. Bigla kase lumabas sa harapan namin yung island, buti na lang nakapag preno pa ako onti, but still sumampa pa rin yung buong van. Good thing na lang at hindi ganun kataas yung island. Siguro nasa isang dangkal lang yung taas.I’m sure hindi lang kami nabiktima nun. If you’ll check the coordinates sa Google Map, you would see that the island is at the center of the road tapos madilim pa yung lugar kaya ingats na lang po sa mga dadaan jan.

Windfarm Jumpshot
This would be the Cjay first long drive and second time ko naman mapuntahan ang Majayjay, yun nga lang naka motor ako nung first time ko. So since its a bit late na, I decided to take the Sta Cruz – Magdalena route kase sa tingin ko mas maliwanag at mas malaki yung kalsada dadaanan unlike sa Louisiana na makipot at panay pa zigzag. Pero nagsisi din ako kase mas malayo pala talaga yung ruta na ito hehe. Ayun awa ng diyos kinaya naman ni Cjay yung mala roller coaster na ahon-lusong-ahon-lusong nung malapit na kami sa lugar. Akala ko talaga need ko pa pababain mga sakay ko, katakot pa naman at super dilim dun hehe.

Sa wakas touchdown sa venue at around 10pm! 6 hours on the road, 135kms on my odometer reading. Ayun siningil kami ng P30 per head dahil overnight (P20 daytime only). Tapos P100 parking fee for overnight (P50 for daytime). Since hindi kami kasya lahat matulog sa van, we rented a tent that’s good for 6 person for P350 at ang masaklap another P50 sa tatayuan ng tent kase dun kami sa parking nag pitch ng tent. Grabeh noh…well ganun talaga, kaya as much as possible bring your own tent ng makamenos.

Everyone has their own share on making our dinner since its already late at gutom na ang lahat. Mabilis kami nakapag paapoy kahit maginaw that night at makapagluto. I admit the rice was not well done pero sa taong gutom pede na sya hehe. Then we all went to sleep for the big day ahead!

Yun na! Luto again pagka gising! Omelette at sinangag for breakfast, tapos barbecue hotdog for lunch at saing ng unli-rice for all na gugutumin for sure sa paglalakad at paliligo hehe! Grabe sandamakmak sa dami yung tao pagdating namin ng Taytay Falls. Kahit saan ka lumingon meron nakapwesto. Good thing me nakita kaming space under the small bridge near the falls. Dun kami pumuwesto at me running water style jacuzzi pa kami sa side namin na solo namin haha! Perfect!

Around 3pm na rin when we decide to go home. This time we took the Louisiana Road going to Cavinti. Then we just bought some pasalubong at Famy, Laguna at Selfie/Groupie sa Windfarm in Pililla, before going tambay mode sa me overlooking sa Bugarin at mag snack na rin. Got home safe and sound, feeling accomplished, satisfied and thankful! Ulitin natin ito!

Thanks to GoPro for capturing our moments! Here’s our video 😀


No Comments on "Majayjay Road Trip 2015" »

No comments yet.

Leave a comment