North Loop Viajista Style

Posted by raredog in Bidyoko Prodaksyon, ... | 02.20.2016 - 1:57 pm




This North Loop ride was definitely on top of my wishlist years ago and yet until now I can’t believe I’ve finally done it with my fellow Viajista’s! We’re compose of 7 motorcycle riders and two pillions (3 Yamaha SZ, 2 Yamaha Mio Amore, 1 Yamaha Sniper and 1 Honda Click)

What’s more exciting was our ride coincide with this year’s Ironman Challenge buti na lang at gabi ang take-off nila at counter-clockwise vice-versa with us na umaga at pa-clockwise naman. Included on our video are some clips ng makasalubong namin some of their participants a few times along the way.

Nakaka inspire those two popular endurance race na parehas North Loop ang daan, one is the “Cannonball” and the other was the much older and popular “Ironman”. I told the group that since our ride is exactly the same route as them, we can called ours “Iron Balls” 😀 I really admired and salute all those who joined the challenge, those men and some women are truly a RIDER for me. Damang-dama namin ang hirap although we rode it for four days na tipong turista at tamang pasyal lang unlike them na 24 hours, na feel din namin sa kalsada yung pagod, antok, takot, ginaw, init at saya.

Day 1 – Ride to Candon City


We plan to take-off at 5am at Puregold Valenzuela, but still pinoy time pa din ang nagwagi kase 7am na kami nakaalis since one of the riders (Em) decided to buy and replaced his rear tire that morning! How absurd haha! Anyway, good decision na rin at nakabuti naman kase madulas at kalbo na yung gulong nya. We stop for breakfast at San Fernando, Pampanga and then lunch at Tarlac and a quick snack in San Fernando, La Union and reached our first destination, Candon City at around 8pm. Ayun dinaan sa chibug ang pagod kase birthday din ni Jay-R at dito na nag celebrate hehe. Konting shot ng Red Horse ayun bagsak sa pagod haha! (363 Kilometers from Anonas, QC)

Day 2 – Ride to Pagudpud


After a delicious breakfast of fried eggs, hotdogs and sinangag, we leave Candon at around 8am and rode to Vigan for some sightseeing. We stroll a bit at the town plaza and Calle Crisologo, short stay at Baluarte and decided to have lunch at a nearby restaurant where I ordered and savored at a steaming Kaleskes.
Then after resting for awhile the group left at 1pm and headed to our main destination for day 2 and that is Pagudpud. But since pasyal nga ang main objectives, me sub-destination ulit kami and this time sa Paoay Church naman for some groupie at mag pray na din inside the church. Actually marami pang pedeng pasyalan along the way, like Kapurpurawan – Rock Formation, Cape Bojeador at ang Bangui Windmills, but due to time constraints hindi na kayang mapuntahan lahat, pinilit na lang namin habulin ang araw para makapagpakuha at least kahit sa Windmills man lang but it proves futile kase ginabi na kami sa daan. But (Kevin and Neth) managed to reached Bangui ahead of us kaya sila lang ang me photos duon hehe, yun nga lang na-flatan naman sila sa me Kapurpurawan hehe. At ang masaklap pa since the road going there is adjacent to the sea eh super lakas ng hangin na talaga naman gumegewang yung motor namin pag tinamaan ng solid, not to mention na maginaw pa at me konting ambon na rin kaya manginginig na rin katawan mo sa pagmamaneho.
We reached Pagudpud arch at 8pm, we’re all smiled hanggang tenga siempre! Its a kind of achievement ang ma-reach mo itong location ng motor lang gamit mo di ba, although I’m the only one who had done this the 2nd time but still I can relate with them the moment of glory!

Mejo natagalan kami kaka-selfie at groupie kase nag-aantay pa kami ng walang dadaang sasakyan, at isa pa, everyone are making sure they got a souvenir for this triumphant moment.

Then the drizzle becomes stronger that we decided to leave the place and find a place to stay. The first plan was at Blue Lagoon, nasa Vigan pa lang kami yun na nakaplano, buti na lang hindi kami dun tumuloy kase anlayo pa pala nun at madilim na at lumalakas na din yung ulan. We decided to go na lang sa Saud Beach na nasa tapat na pala ng sinisilungan namin tindahan yung road haha! We’re starving na rin kaya mas inuna muna namin to find a place to eat, good thing me nakita kami agad. Dinner was superb, liempo and lechon manok ang ulam namin that night with matching hot soup! Then we haggled with the rent dun sa nakuha namin place that night, oks naman kase natawaran namin from 2,500 naging 1,800 sya. Everyone was so full and tired that night but little did they know na sumimple ako ng bili ng gin bilog sa tindahan haha! We’ll I need some warm to my body dahil talaga naman nilalamig ako that night tsaka pampa-relax na din at para hindi na mamahay dun sa room. Unfortunately, hindi pa rin naging maganda yung tulog ko dahil sa lakas ng hilik (parang nire-rev na tambutso) ng kasama ko haha! (247 Kilometers from Candon City)

Day 3 – Ride to Isabela


Around 7am kinabukasan ng magpunta kami sa beach, anlapit lang sa house namin, sadly its still bad weather, wala pa din si haring araw. Sankatutak na piktyuran at bidyuhan na naman ang nangyari! Super ganda ba naman ng beach ng Pagudpud, kaya pala Boracay of the North ang tawag sa kanya kase almost identical na yung feature ng sand nila dito. Yun nga lang masyado maalon. Mejo nalibang kami sa beach kaya around 10am na yata kami ng mag-ready to leave Pagudpud, and our next target destination is Isabela province. Lumakas na naman ang hangin at ulan ng nasa daan na kami, naging mahirap bumiyahe kase talagang nakakatangay yung hangin na parang gusto ka talaga itumba hehe. Good thing when we reached Patapat Viaduct nawala yung hangin at ulan, napakaraming tao dun na nag selfie at groupie, siempre hindi kami pahuhuli at agad-agad din namin sinamantala yung view at ang moments to have some souvenir photos of the place.

Siguro naka 20 minutes din kami dun before we hit the road again. Dito na bumungad ang nakakahilong twisties ng border ng Ilocos Norte papasok ng Santa Praxedes! Tapos bandang Claveria na kami inabot ng gutom at pagod, we checked in to a restaurant na terminal din ng bus at duon kami kumain at nagpahinga. Naka isang oras yata kami bago nakaalis sa place na yun. Then takbo ulit, still makulimlim pa din and the drizzle is still haunting us haha! Karamihan sa amin eh basa na from head to toe. Na-reached namin yung famous Magapit Bridge mga past 4pm na. Hinto saglit for some groupie shots, then takbo na ulit at malayo pa tatahakin namin pa Isabela. Then shit happened afterwards, kase after the bridge walang sign kung saan papuntang Tuguegarao, so nag anticipate kami na diretso lang kami, at yun ang malaki namin pagkakamali namin, umabot kami hanggang sa dulo o junction ng Dugo – San Vicente Road, at nalaman namin ng magtanong kami sa mga locals. Sablay kami ng 30 kilometers so 60 kms balikan ang tinakbo namin ng walang katuturan haha!, although I admit na dito yata natanggal lahat ng carbon ng tambutso namin kase nag ala-beastmode ang grupo dito dahil sa ganda at haba ng daan. Tawanan pa nga kami pagdating sa dulo at sabi ni (Eric) anlaki ng natipid namin sa oras dahil sa bilis namin. Yun pala sablay bwahaha!

So ayun, mejo late na kami sa itinerary namin at mejo pata na rin kami. We decided to take a break somewhere in Carig, Tuguegarao. After eating gusto ko na sana dun na magpalipas ng gabi at maaga na lang gumising bukas, but the clamor to still stick to the plan and travel to Isabela kahit mejo alanganin is namamayagpag. After asking some locals on the easiest route to Isabela, we started to ride immediately since its kinda late na din parang past 8pm na yata, karga ulit ng gas at mahirap na baka maubusan sa daan mahirap na. We actually divided into two groups ng sa isang junction nagkahiwalay kami. Isang grupo 3 bikes at kami naman 4. Good thing at me load pa mga cellfones namin and we were able to contact the other group. Sa me Buntun Bridge na ulit kami nagkitang lahat. Then takbo ulit, binaybay namin ang karimlan ng Enrile, Rizal, Quezon, Roxas na talaga naman nakakatakot ng mga oras na iyon kase nga napakadilim ng buong dadaanan at basa pa ang daan dahil umaambon pa rin. Nakakatakot pa yung mga alkitran sa daan na nangingintab dahil basa sa ulan, mapapagkamalan mo talagang langis sa biglang tingin. Meron pa kami dinaanan na ginagawang daan na mga 3 – 4 kilometers din cguro ang haba. Hanggang sa umabot kami ng San Rafael, Isabela, sa wakas nakarating din ng maluwalhati. Sinimulan na namin maghanap ng matutuluyan ng mapansin namin na kulang pala kami ng isang kasamahan haha! Si (Em aka Bomber) Na-flatan pala siya mga 5 kms buhat sa amin (nadale dun sa baku-bakong daan). Buti na lang at me data load pa yung celfone nya at me nakita syang tropa namin na online at yun ang pinatawag nya sa amin para malaman nangyari sa kanya. Siguro sa pagod at antok na rin nga lahat at huli na ng namalayan namin na wala sya hehe. We found a cheap motel there at wala na kaming inaksayang oras, sampay lang mga basang gamit at plakda sa kama para matulog. Zzzz Zzzz Zzzzzz (389 kms from Pagudpud)

Day 4 – Going Home


Late natulog at aga nagising, ligpit ng gamit, higop ng mainit na kape, and we’re ready to go! Nag breakfast kami sa isang carinderia in Cordon, Isabela tapos takbo ulit. Next stop was in Dalton Pass Shrine, sarap mag banking-bangking ulit dahil me twisties din dito, tapos pahinga sa tuktok, picture taking ulit mga kasamahan ko while ako naman nagkape lang sa store, pero walang talab kase nakaidlip pa rin ako dahil sa lamig ng sariwang hangin duon. Since nag snack kami, alanganin ng mag-lunch, kaya nai-suggest ni (Marineth) na dumaan ng San Jose, Nueva Ecija at duon ang grupo manananghali sa mga tiyahin nya. Mga 3pm na yata kami nakarating, gutom na ulit hehe! Sarap ng nilutong adobong bibe ng tiyahin nya kaya andami namin nakain lahat at isang dahilan para magnakaw ng onting tulog bago umalis muli hehe. At dito na nga naganap ang hindi namin inaasahang magiging viral video hehe! Eto sya https://youtu.be/J8sT-hNSToU

Malapit na ring dumilim ng umalis kami, wala ng kainan ito at uwing-uwi na ang lahat. Binaybay namin ang Cabanatuan, at mga probinsya ng Bulacan, tapos via San Rafael tagos ng Bustos, Bulacan tagos ng Norzagaray tagos ng San Jose Del Monte at dumating kami mga 11pm na sa gate ng Lagro. Dito na kami nagkahiwa-hiwalay. Kanya-kanya ng uwi sa bahay ng me ngiti kahit pagod at ang taos-puso namin pasasalamat sa Dios sa pag-gabay sa amin sa buong biyahe. (408 kilometers from Isabela to Anonas, QC)

Our souvenir video for this North Loop Ride

 

Ride Data

1407 kilometers
32 liters
44 kms/liter


No Comments on "North Loop Viajista Style" »

No comments yet.

Leave a comment