Viajista goes to Alibijaban Island (video)

Posted by raredog in A.U.T.S., Bidyoko Pr... | 04.25.2017 - 4:59 pm




The Viajista’s spend Holy Week riding to San Andres, Quezon – Alibijaban Island to be exact. 300 kilometers to San Andres from Shell Cainta (beside STI) where we all meet and take off at around 5am. All first timers to the place and at the same time Holy Wednesday pa kaya nagulat kami dahil simula ng bukana ng Pililla, Rizal going up to Mabitac eh super trapik na! Kasabay namin mga nag uuwian sa probinsya pati na din yung mga mag-outing, not to mention na sandamakmak din ang mga nagmomotor na kadalasan eh grupo. This will also be my first time to travel far on my bike with a backrider (my bebe), first time din ng backride ko na maka experience ng riding on bike this far! Buti at kinaya din ni Rusty ko ang bigat naming dalawa plus our luggage pa! Dumaan din kami Bitukang Manok, madaming improvement at talagang patuloy ang pag-aayos dito, tapos Atimonan, sa Gumaca lumala na naman ang trapik hanggang Lopez, hirap sumingit, buwis-buhay kase pulos bus at truck nag kasalubong mo na minsan ayaw talagang magbigay hehe. Tapos, dito na sumakit mga puwet namin pag kanan namin sa Lopez, going to San Narciso and finish line sa San Andres, grabe sa layo ng taas baba na daan, lampas yata 100 kms ito! Dapat at least half tank motor nyo bago kayo dumaan dito. 99% naman na sementado yun nga lang akyat baba yung daan na pag mahina brakes nyo eh delikado din. Exhausted ng dumating kami sa port ng San Andres ng around 5pm, (12 hours kami sa biyahe) kaya ginabi na kami pagtawid sa isla (30 minute boat ride) Buti na lang at me prepared dinner na yung resort na pagtitigilan namin, no need ng magluto, buhay hari at reyna na kami that night! After dinner, shot onti then sleep na din agad at kami’y mga pagod. Wake up at around 6am, ganda ng morning, ganda ng weather! Prepare kami lahat ng breakfast, kanya-kanyang toka ng gawa. Scheduled activity – island tour (iikutin buong island, almost 2 hours yata namin inikot ng banca. – stopover sa mangroves at sandbar to took some photos and videos – tapos bandang hapon na ng makasingit kami sa floating house, dito kami nag enjoy ng todo, ang saya kase nasa malalim yung pwesto ng house, malinaw tubig at nde maalon, dito kami nag dive at nag shot ulit, at pinaka the best, yung 4 naming kasamang girls eh natuto bigla lumangoy haha! Uulitin ko pa bang bumalik sa Alibijaban Island? Well of course! Malamang hindi na ako gaano malalayuan kase napuntahan ko na and besides panalo yung beach duon basta wag ka lang makakaapak ng sea urchin like my bebe haha! 😛


No Comments on "Viajista goes to Alibijaban Island (video)" »

No comments yet.

Leave a comment