The Life of a Stroke Warrior Part IV

So ayun magtatanghali na nun eh naiwan ako sa bed at bumili ng lunch si misis. Naisipan kong magbasa ng updates sa Facebook that time. Cguro umabot ng mga 15 minutes akong nagbabasa sa cellphone ko ng bigla nanlabo mga mata ko at parang nahilo, tapos yung naramdaman ko nung una akong atakihin, naramdaman ko ulit.

Mejo nag panic ako kse alam ko na okay na ako eh yun pala hindi pa. Dun ko naisip na ikabit ulit yung oxygen sa ilong ko, unfortunately naman eh napahiram ko pala yung oxygen tank ko sa ibang patient muna kse nde ko kse ginagamit.

Nag calm down lang ako nung nkabalik na si misis at nakahiram ulit ng oxygen tank para magamit ko. Tapos ayun na bumalik ulit unti-unti yung pagka paralyze ng left body ko.

Ingats po sa lahat. Nde biro ang sakit na ito

Posted by Raredog Barcelona on Sunday, 31 March 2019
Dami pa hindi naniwala agad nung pinost ko itong video kase nataon na April 1 ko pala ito nai-post so napagkamalang joke lang para sa April Fools Day hehe

Dun namin na realized na need ko pa magtagal sa hospital kase ayon sa doctor eh nagkaroon ng evolution yung stroke ko, ganun daw talaga after a few hours o days ng stroke, kumbaga sa lindol after shocks.

So ayun, its totally a bad news for me kase bumalik yung unti-unti na naman na paralyze yung left body ko at no choice kundi mag stay pa ilang days para ma monitor yung overall kalagayan ko.

Author: raredog

I'm a guy who has passion on computers, internet, and motorcycles. I'm also into photography and trike drifting. See you around!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *