Secret Appetizer for Shih Tzu

Problema mo din ba Yung Shih Tzu mo na choosy sa pagkain?

  • Maselang sa dog food, minsan gusto, madalas ayaw hehe
  • Ayaw ng me halong kanin yung food nila
  • Kayang buong araw hindi kakain na akala mo eh nagpapa sexy
  • Binibilhan mo na ng iba’t-ibang vitamins pampagana pero ganun pa rin hehe!
  • Minsan sinasaadya mo ng hindi pakainin para magutom di ba hehe

Well eto natuklasan kong sikreto. Paborito ng pet ko si Taira yung atay sa isawan or yung chicken neck. Ginagawa ko tinatadtad ko muna bago ibigay sa kanya kase pag malalaking chunks ayaw nya lalo na kung hahaluan mo ng kanin, pipiliin nya lang yung atay o manok at maiiwan yung kanin.

Nang minsan pag prepare ko ng food sa kanya sa mesa nakita ko yung BUTTER <<<< (its the secret!) at naisipan kong mag experiment at haluan yung food nya nito at kaunting kanin.

Yun na! Laking surpresa ko talaga ng naubos nya as in simot yung food nya sa bowl nya! Sabi ko natsambahan ko lang siguro na gutom talaga sya.

Pero hindi pala kse more than a week na syang magana sa timpla ko na yun. Try nyo rin baka effective din sa doggie nyo 😀

Author: raredog

I'm a guy who has passion on computers, internet, and motorcycles. I'm also into photography and trike drifting. See you around!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *