The Life of a Stroke Warrior Part II

Day One

Lunch time, around 12:30 pm, eat kami ng wife ko, ulam namin adobong pusit at lumpiang shanghai, napasarap ng kain kaya naka 2 rice ako nun. Tapos mga past 1pm nasa office room na ako nakaupo sa harap ng computer ko, gawa ng reports ko, when all of a sudden parang nanlalabo mga mata ko.

Pinunasan ko lang baka kse yung eyeglass ko malabo. Dun ko na din napansin na namamanhid na pala yung kaliwang braso ko, kinagat ko ito at nagulat ako na manhid na sya at wala ng lakas.

Since ako lang sa room that time, naisip ko agad na lumabas agad at baka kakaiba na itong nararamdaman ko. Kumapit ako sa pinto sa likod ko at tumayo, dun ko lang nalaman na pati pala left leg ko eh manhid na din, so instead na makatayo ako eh diretso na akong tumumba sa sahig, buti na lang naiikot ko pa yung katawan ko at nauna bumagsak yung puwitan at likod ko sa lapag.

Pinilit kong gumapang papunta sa pinto pero hindi na din talaga kaya ng katawan ko, as in hinang hina ito, naisipan ko na lang sumigaw, mejo utal ako feel ko baluktot yung dila ko. Buti na lang at andun yung isang teacher namin (Sir Paril) sa tabing room ko at nadinig yung mga sigaw ko. Dali-dali syang nagbukas ng pinto ko at nakita nya akong nakalapag sa sahig.

Nagtawag agad sya ng mga kasamahan at nagdala ng stretcher para buhatin ako. Buti na lang at available yung school service namin na Multi-Cab nung oras na yun at ako’y naisakay agad para dalhin sa hospital.

Dalawa ang naiwang umalalay sa akin pagdala sa Ynares Hospital, si Josie at ang aking asawang si Raquel na walang tigil ang pag-iyak dahil sa nangyari sa akin, natakot din kse sya kase iba na daw kulay ng mukha ko. Sa maayos at mabilis na pag drive ni kuya Mario eh nadala agad ako sa Ynares Memorial Hospital, sabi nga nya eh bawi-bawi lang daw kse nung time na nahihilo sya eh ako naman nag drive para ihatid sya sa same hospital.

Past 2pm na ng naipasok ako sa emergency room at dun ay agad ako kinunan ng BP na ikinagulat namin dahil sa sobrang taas!

To be continued…

The Life of a Stroke Warrior

I almost forgot, blogger nga pala ako, bakit ba hindi ko bina-blog yung pagkaka-stroke ko hehe. Incidentally as of this writing eh I’m on my 4th month and 3 days na simula ng mai-stroke.

I'M A STROKE WARRIOR!!! #thelordismybackup

Posted by Raredog Barcelona on Saturday, 4 May 2019

With this blog, I will recall everything since day one. Everything as in mga naramdaman ko, mga changes sa katawan ko, pananampalataya ko, pagkain ko, gamot ko, call of nature atbp.

The night before Day One, naramdaman ko ng mejo matigas batok ko, at mabigat ulo ko. date is March 27. Itong month na ito mejo madami events nasunod-sunod birthdays namin mag asawa, kapit bahay, tropa etc… The usual na laklak, pulutan na masebo, puyat plus stress pa sa work! Naubusan din ako ng Amlodiphine 5mg (maintenance ko for 3 o 4 years na)ko that time kaya natigil ako mag take ng mga more than a week cguro. So ayun nga sumakit batok at ulo ko ng gabi na yun, since wala ako gamot, nag herbal muna ako, uminom ako ng isang pirasong bawang at tinulog ko na lang.

Kinaumagahan, ayun back to normal pakiramdam ko, wala ng sakit ng ulo at batok. Nag breakfast, shower at ready ng pumasok sa work.

Nung nasa work na ako, yun ang Day One ko, to be continued…