The Life of a Stroke Warrior Part III

200 over 120 yung blood pressure ko!

Na talaga naman ikinagulat ng lahat! Sinaksakan ako agad ng oxygen sa me ilong ko ng nurse at sinabihang mag relax lang daw ako habang nakahiga. Habang in-interview naman si mrs sa mga pangyayari at personal data ko. Mabilis din akong nainip sa sitwasyon ko siguro dahil gusto ko agad maka recover, kase kinukulit ko na mga tao dun kung bakit wala man lang binibigay sa akin na gamot.

God is Good all the time!???On the way to recovery na c daddy raredog after his mild stroke

Posted by Quel CL on Thursday, 28 March 2019

After siguro mga 1 hour na pagkakahiga, sinubukan ko igalaw yung kaliwa kong kamay, naigalaw ko lang yung hintuturo ko, tapos naigalaw ko din yung hinlalaki ng kaliwa kong paa. Mejo nagkaroon ako ng pag-asa kase nung dumating kami kanina wala talaga akong maigalaw.

Tapos ayun na, naisipan na akong i-dextrose ng nurse, sa kaliwang kamay, inisip ko rin hindi ko mararamdaman kase nga manhid yung kamay ko, pero nagkamali ako kase naramdaman ko ito, kaya mas lalo ako nabuhayan na bumabalik na nga yung pakiramdam ng braso, kamay at paa ko.

Lumipas mga 2 oras at lahat kami ay namangha sa nangyari kase bumalik sa dati yung kilos at galaw ng kaliwa kong katawan! As in normal ko na naigagalaw ang kaliwa kong kamay at paa. Yun nga lang nanghihina pa ako. Pero nung need akong i-lab at i-xray sinakay ako sa wheelchair pero hindi na ako in-assist paghiga sa x-ray room, nakapaglakad ako at humiga sa kama ng mag-isa.

Hanggang sa i-admit na nga ako sa hospital at dalhin ako sa ward. Iba na pakiramdam ko, malaki ang improvement, parang mejo hilo na lang at mahina ako pero nakakakilos na ako ng normal. Mag isa pa nga akong nag cr para umihi. Nag-post na nga sa facebook si misis na happy sya at mild stroke lang daw ako at nakaka-recover na ako!

Kinaumagahan eh nadalaw na nga ako ng bos ko si sir Leandro MatociƱos at kinamusta, buong akala namin eh maari na ako makalabas kasi nga mukhang okay na ako.

Hanggang sa me naramdaman akong kakaiba sa katawan ko bago magtanghali na ikinalungkot ko šŸ™

To be continuedā€¦

The Life of a Stroke Warrior Part II

Day One

Lunch time, around 12:30 pm, eat kami ng wife ko, ulam namin adobong pusit at lumpiang shanghai, napasarap ng kain kaya naka 2 rice ako nun. Tapos mga past 1pm nasa office room na ako nakaupo sa harap ng computer ko, gawa ng reports ko, when all of a sudden parang nanlalabo mga mata ko.

Pinunasan ko lang baka kse yung eyeglass ko malabo. Dun ko na din napansin na namamanhid na pala yung kaliwang braso ko, kinagat ko ito at nagulat ako na manhid na sya at wala ng lakas.

Since ako lang sa room that time, naisip ko agad na lumabas agad at baka kakaiba na itong nararamdaman ko. Kumapit ako sa pinto sa likod ko at tumayo, dun ko lang nalaman na pati pala left leg ko eh manhid na din, so instead na makatayo ako eh diretso na akong tumumba sa sahig, buti na lang naiikot ko pa yung katawan ko at nauna bumagsak yung puwitan at likod ko sa lapag.

Pinilit kong gumapang papunta sa pinto pero hindi na din talaga kaya ng katawan ko, as in hinang hina ito, naisipan ko na lang sumigaw, mejo utal ako feel ko baluktot yung dila ko. Buti na lang at andun yung isang teacher namin (Sir Paril) sa tabing room ko at nadinig yung mga sigaw ko. Dali-dali syang nagbukas ng pinto ko at nakita nya akong nakalapag sa sahig.

Nagtawag agad sya ng mga kasamahan at nagdala ng stretcher para buhatin ako. Buti na lang at available yung school service namin na Multi-Cab nung oras na yun at ako’y naisakay agad para dalhin sa hospital.

Dalawa ang naiwang umalalay sa akin pagdala sa Ynares Hospital, si Josie at ang aking asawang si Raquel na walang tigil ang pag-iyak dahil sa nangyari sa akin, natakot din kse sya kase iba na daw kulay ng mukha ko. Sa maayos at mabilis na pag drive ni kuya Mario eh nadala agad ako sa Ynares Memorial Hospital, sabi nga nya eh bawi-bawi lang daw kse nung time na nahihilo sya eh ako naman nag drive para ihatid sya sa same hospital.

Past 2pm na ng naipasok ako sa emergency room at dun ay agad ako kinunan ng BP na ikinagulat namin dahil sa sobrang taas!

To be continued…